Friday, 21 February 2014

House Gecko, May I Ask?

( In Tagalog, Filipino language: )


Butiki, pwedeng magtanong?

Butiki, pwedeng magtanong?
Paano ba ng makibaka sa buhay
Na hindi nahuhulog sa
Makinis na kesameng iyong
Kinaroroonan?
Wala ka bang kapaguran?
Saklaw mo ang iyong paligid,
Libre mong naiikot ang iyong mundo
Na walang pag-aalangan…
Pwede kaya kitang tularan?
Ayan ka’t katalik ang iyong irog
Dyan sa makinis na kesame,
Hindi man lang kayo
Nahulog… Maheka? O Himala?
Paano mo nagawang pag-aralan
Itong iyong ‘maheka’gayong alam
Kong abala ka sa pakikibaka?
Ito ako nakatingala, Nakatingin sayo
Nagtatanong sayo,
-di mo man lang ako pinansin.
Busy kaba?
Hindi mo man ako kausapin,
O sya, Isali mo nalang ako sa iyong mga dasal-
“gumaling sana ang baliw na iyan,
Para di nakikipag-usap sa butiking walang pakialam…”

( English version: )



House Gecko, may I ask?
How does one battle with life
Without falling
From that smooth ceiling
Where you are?
Do you ever get tired?
You rule your surroundings,
You explore your own world so freely
And without hesitation…
Would I ever be like you?
There you are with your lover making love, right there on that smooth ceiling,
Not ever a hint of you
Falling… magic? Or Miracle?
How did you find time
To learn this “magic”, when I know
You’re busy with your battles in life?
Here I am, looking up watching you,
Asking you,
-you don’t even bother to care.
Are you too busy?
You don’t even bother to answer me,
Oh well, I hope somehow you add me to your prayers-


“may that crazy woman’s head get better, so she’d stop talking to a Gecko who doesn’t care…”

by Reinalie Jorolan
Words In Motion 2014

No comments:

Post a Comment